Kilalanin ang Pangkat ng Nagtatrabaho

አማርኛ • 繁体字 • 简体中文 • ភាសាខ្មែរ • 한국어 • Oromiffa • af-Soomaali • Español • Tagalog • ትግርኛ • Tiếng việt • English

Mag-aplay upang makasali sa Pangkat ng Nagtatrabaho para sa Pagkakapantay-pantay sa Transportasyon

Ang Pangkat ng Nagtatrabaho para sa Pagkakapantay-pantay sa Transportasyon [Transportation Equity Workgroup] (TEW) ay may mga bukas na upuan para sa 2023-2024. Kami ay naghahanap ng mga kwalipikadong miyembro ng komunidad na sumali.

Nais nyo bang magsilbi bilang isang tagapangasiwa ng ating Balangkas para sa Pagkakapantay-pantay sa Transportasyon [Transportation Equity Framework] (TEF)? Ang mga tao na konektado sa mga grupo ng komunidad, mga network, o mga non-profit na naglilingkod sa mga mahihinang komunidad sa Seattle-King County ay iniimbitahan na mag-aplay.

Nais mo bang suportahan ang isang aplikante? Ang mga organisasyong konektado sa mga kandidato ng TEW ay maaaring magsumite ng Liham ng Suporta.


Mga Serbisyo sa Pagsasalin

Nangangailangan ng mga serbisyo sa pagsasalin? Mga indibidwal o mga grupo na nangangailangan ng tulong upang magsumite ng mga aplikasyon o Mga Liham ng Suporta:

Kasalukuyang Mga Miyembro ng Pangkat ng Nagtatrabaho

Yordanos Teferi, Co-Chair ng Pangkat ng Nagtatrabaho

Si Yordanos Teferi ay isang eDiscovery na Abogado. Siya ay may higit sa 17 taong karanasan sa batas at Fortune 100 na mga kumpanya. Nakilala ni Yordanos ang mahusay na gawain ng Multicultural Community Coalition noong nagsimula siyang maglingkod sa Eritrean Community Center board. Ngayon, nagsisilbi siya bilang Punong Tagapangasiwa. Nagsisilbi din si Yordanos sa Lupong Tagapayo ng Inisyatiba sa Makatarungang Pag-Unlad [Equitable Development Initiative] (EDI) at sa Lupong Tagapangasiwa ng Mga Komunidad ng Pagkakataon [Communities of Opportunity] (COO).

Yu Ann Youn, Co-Chair ng Pangkat ng Nagtatrabaho

Si Yu-Ann Youn ay isang kasalukuyang estudyante sa Robinson Center para sa mga Batang Iskolar ng University of Washington na nagtatrabahao para sa kanyang bachelor's degree sa Construction Management. Siya ay masigasig sa pagbuo ng pagkakapantay-pantay ng lahi at pagkakaiba-iba sa industriya ng Built Environment at isang masipag na tagapagtaguyod para sa higit na pakikipag-ugnayan sa komunidad sa pagpaplano at pag-unlad ng lungsod. Sumali siya sa Pangkat ng Nagtatrabaho para sa Pagkakapantay-Pantay sa Transportasyon upang magbigay liwanag sa mga tinig ng mga komunidad ng BIPOC na mababa ang kita at ng kabataan sa mga talakayan ng pagpaplano sa transportasyon.

Rizwan Rizwi, Co-Chair Emeritus

Si Rizwan ay Pangulo at CEO ng SAR Wealth Management Siya ay pinanganak at lumaki sa Newcastle na nasa Tyne sa England at nagtapos sa Newcastle University ng BA na may mga karangalan sa Business Management at sa susunod ay isang MA sa Business Administration. Malawak ang kanyang karanasan sa industriya ng Pamumuhunan at gumugol ng ilang taong namamahala ng isang Equity Portfolio sa SMITH BARNEY Citygroup (ngayon bahagi ng Morgan Stanley)

Noong 2012, naging Executive Director si Rizwan ng Muslim Housing Services (MHS) kung saan noong 2018 tinulungan nilang bigyan ng tirahan ang higit sa 1,100 katao sa buong King County, pangunahin ang mga walang tirahang mga refugee at imigrante. Sumali siya sa Pangkat ng Nagtatrabaho para sa Pagkakapantay-Pantay sa Transportation ng Kagawaran ng Transportasyon ng Seattle upang matiyak na ang mga tao ay magkaroon ng salita sa mga desisyon sa Transportasyon kahit galing sa mga pangkat ng mga api sa ekonomiya o batay sa kasaysayan ay kulang sa representasyon na kadalasang nakakaligtaan sa pagdisenyo ng mga patakaran.

Steven Sawyer, Co-Chair Emeritus

Si Bishop Steven R. Sawyer ay isang tagasulong ng mga karapatang pantao, lider ng komunidad, at religious trailbrazer sa bansa na may B.A. sa Business Administration na may konsentrasyon sa Organizational Management pati na rin Master sa Divinity na may konsentrasyon sa Global Development at Justice mula sa Multnomah University sa Portland, OR. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho si Steven bilang Executive Director ng POCAAN, dating kilala bilang People of Color Against AIDS Network, isang multikultural na ahensiya ng serbisyong pantao na nagsisilbi sa mga nasa bingit na mga komunidad sa Seattle mula 1987. Nilalayon ng ahensiya na itaguyod, turuan at pakilusin ang mga programa na nagbibigay pansin sa mga pag-aabuso sa droga, pagkakulong, kawalang tirahan, mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik, rasismo, seksismo, homophobia, at iba pang mga pagkakaiba-ibang nagdudulot ng pagka-bingit. Ibinahagi niya ang kanyang kasabihan sa organisasyon: "Pagtataguyod sa Kalusugan, Pagpapakilos sa Komunidad, at Pagbabago ng mga Buhay."

An Huynh

Si An Huynh ay ang Public Space at Community Coordinator sa Seattle Chinatown International District Preservation at Development Authority. Pinapadali niya ang pakikilahok ng komunidad at pakikipag-ugnayan sa mga proyekto sa pampublikong espasyo sa Chinatown International District sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga lokal na mga negosyo, mga residente, at mga may-ari ng lupa pati na rin ng mga departamento ng munisipyo, mga nagpopondo, at mga kumpanya ng disenyo upang makahanap ng mapagkakasunduan na disenyo ng iba't ibang sining pampubliko, disenyo ng parke, at mga proyektong magpapasigla sa mga eskinita. Sumali si An sa TEW upang iangat ang mga karanasan ng mga taong naninirahan sa Chinatown International District kung saan 72% ng mga sambahayan ang nagsasalita ng wika maliban sa Ingles at 19.1% ay matatanda, na parehong madalas na naiiwanan sa mga usapin sa pagkakapantay-pantay sa transportasyon.

Amir Noir Soulkin

Si Amir Noir Soulkin ay isang Communications at Development Director sa East African Community Services (EACS), isang 21 na taon na nonprofit na pinamumunuan-at-nagsisilbi-sa-Itim na tinatag ng at para sa Silangang Aprikanong mga pamilyang refugee at imigrante na naninirahan sa King County. Siya ang pangunahing tagapag-ugnay sa komunikasyon para sa organisasyon at nangangasiwa sa departamento ng pangangalap ng pondo at pagpapaunlad ng organisasyon. Ang EACS Seattle ay nasa lugar ng New Holly, isang napakaraming BIPOC na komunidad na nagsisilbi sa mahigit sa 350 na mga kabataan taun-taon sa pamamagitan ng nakaugat sa kulturang Pre-K hanggang 12 na baitang na eskwela pagkatapos ng klase, tag-init, at interbensyon at dibersyon na pagtuturo sa kabataan na mga programa na nag-aangat sa mga tinig ng Silangang Aprikanong mga pamilyang refugee at imigrante

Nagtapos si Amir sa Puget Sound Sage's Community Leadership Institute kung saan nagkaroon siya ng matinding kamalayan sa mga kaugnayan sa pagitan ng kadaliang pagkilos ng klase at pag-access sa ligtas, abot-kaya at makatarungang transportasyon, na nauugnay sa bawat aspeto ng buhay. Ang mga Itim na imigrante ay kadalasan naiiwanan sa mga pag-uusap ukol sa mga patakaran dahil sa mga hadlang sa wika at/o pag-access, na lubhang mapanganib para sa mga taong nabubuhay sa isang lipunang nahubog sa pamamagitan ng aktibong demokratikong pakikilahok. Nadama ni Amir na maaari niyang gawin ang mahalaga at may epektong trabaho sa pagkakapantay-pantay sa ngalan ng Silangang Aprikanong mga komunidad ng refugee at imigrante sa pamamagitan ng paninilbihan sa Pangkat ng Nagtatrabaho para sa Pagkakapantay-Pantay sa Transportasyon: "Mahalaga ang Representasyon." Mahalaga ang Pagkakaisa ng BIPOC. Mahalaga ang Buhay ng mga Itim. Mahalaga ang Boses ng mga Itim. Mahalaga ang mga Interes ng Itim. Mahalaga ang Ekonomiya ng mga Itim. Mahalaga ang kalidad ng buhay ng Itim.

Karia Wong

Naglilingkod si Karia Wong sa mga imigrante mula 1998, una bilang isang boluntaryo at ngayon bilang Family Resource Center Coordinator sa CISC, Chinese Information at Service Center. Sa loob ng 20+ na taong pagtulong sa mga imigrante, nasaksihan ni Karia kung paano ang mga hindi pagkakapantay-pantay sa transportasyon ay nagiging mga hadlang para sa mga imigrante na umunlad sa kanilang mga bagong buhay sa Seattle. Naniniwala siya na dapat lahat ay magkaroon ng parehong pag-access sa ligtas, abot-kaya, naa-access at napapanatiling kapaligiran na mga opsyon sa transportasyon anuman ang bansang pinanggalingan, wika, nakaraan at kapasidad na pisikal/mental.

Mga dating Miyembro ng TEW

  • Cesar Garcia
  • Ellany Kayce
  • Khatami Chau
  • Kiana Parker
  • Kristina Pearson
  • Chris Rhoades
  • Christina Thomas
  • Phyllis Porter
  • Micah Lusignan
  • Julia Jannon-Shields
  • Sokunthea Ok (Kagawaran ng mga Kapitbahayan [Department of Neighborhoods] (DON), Liaison ng Komunidad)
  • Analia Bertoni (Kagawaran ng mga Kapitbahayan [Department of Neighborhoods] (DON), Liaison ng Komunidad)

Transportation

Greg Spotts, Director
Address: 700 5th Ave, Suite 3800, Seattle, WA, 98104
Mailing Address: PO Box 34996, Seattle, WA, 98124-4996
Phone: (206) 684-7623
684-Road@seattle.gov

Newsletter Updates

Subscribe

Sign up for the latest updates from Transportation

The Seattle Department of Transportation (SDOT) is on a mission to deliver a transportation system that provides safe and affordable access to places and opportunities for everyone as we work to achieve our vision of Seattle as a thriving, equitable community powered by dependable transportation.