Balangkas para sa Pagkakapantay-Pantay sa Transportasyon ng Seattle

አማርኛ • 繁体字 • 简体中文 • ភាសាខ្មែរ • 한국어 • Oromiffa • af-Soomaali • Español • Tagalog • ትግርኛ • Tiếng việt • English

Isang kasaysayan ng mga rasistang patakaran at kakulangan sa pamumuhunan ang lumikha ng mga hindi pagkakapantay-pantay sa ating sistema sa transportasyon, kabilang ang mas mahabang pagbiyahe para sa mga komunidad ng ibang kulay kaysa sa kanilang katapat na mga puti dahil sa pag-alis, at kadalasan sa mas kulang na access sa mataas na kalidad na serbisyo ng transit. Bagama't ang mga komunidad ng ibang kulay ay mas mababa ang kontribusyon sa polusyon, hindi katimbang ang kanilang nararanasang mga pangmatagalang epekto ng rasismong ito, kabilang ang limitadong pag-access sa mga oportunidad at kayamanan. Ang pagsasama nitong bagong Balangkas para sa Pagkakapantay-Pantay sa Transportasyon [Transportation Equity Framework] (TEF) sa mga patakaran at operasyon ng departamento ay isang hakbang patungo sa pagtutugon sa mga isyung ito.

Pag-unlad

Ang Pangkat ng Nagtatrabaho para sa Pagkakapantay-Pantay sa Transportasyon [Transportation Equity Workgroup] (TEW) ay itinatag noong maagang 2019 para makakuha ng input mula sa malawak at magkakaibang hanay ng mga miyembro ng komunidad na kumakatawan sa mga Itim, Katutubo, Mga Taong May Kulay at mga mahihinang komunidad. Bawat miyembro ng TEW ay konektado sa mga lokal na organisasyon sa rehiyon ng Seattle-King County at inilalapat ang kanilang mga karanasan at propesyonal na kaalaman upang kilalanin ang mga aksyon na makakatulong lutasin ang mga hamon na kaugnay sa transportasyon. Ang kanilang mga input ay ginagamit sa pagtukoy ng isang hanay ng mga kahalagahan at istratehiya para sa TEF, na gagabay sa mga aksyon ng mga empleyado ng Kagawaran ng Transportasyon ng Seattle [Seattle Department of Transportation] (SDOT) para sa mga darating na taon.

Batay sa ibinahaging mga layunin ng Programa para sa Pagkakapantay-Pantay sa Transportasyon [Transportation Equity Program] (TEP):

Noong 2021, patuloy na nakipagtulungan ang SDOT sa mga miyembro ng TEW para magkasamang i-disenyo ang Plano sa Pagpapatupad. Mula Enero hanggang Agosto 2021, ang mga kawani ng SDOT at mga miyembro ng TEW ay nagtulungan sa isang serye ng mga pagpupulong na nagbigay-daan para ang mga lumahok ay bumuo ng mas malalim na mga ugnayan, aktibong makining, at malikhaing mag-isip upang magkasamang lumikha ng isang plano ng pagpapatupad.

Mga Materyales ng Balangkas para sa Pagkakapantay-Pantay

Plano ng Pagpapatupad ng TEF

Kabilang sa plano ng pagpapatupad ang mga taktika na sumusulong sa mga kahalagahan at istratehiya na tinukoy sa Unang Bahagi ng TEF:

  • Ang mga taktika ay nasa iba't ibang mga kategorya mula sa adbokasiya, patakaran, programa, proyekto hanggang sa mga taktika na mas mga pang-kulturang pagbabago para sa aming departamento tulad ng mga panloob na proseso at mga pinakamahusay na mga kasanayan.
  • Ang plano ay mula 2022 hanggang 2028, na sa pag-uunawa ay isa itong dinamikong dokumento na isasaayos, susubaybayan, at regular na itatama sa panahon.

Kasama sa interactive na dashboard ng plano ng pagpapatupad sa ibaba ang higit sa 200 na mga taktika na inayos ayon sa mga kahalagahan ng TEF. Usisain nang higit nang matuto!

Dashboard ng TEF

Tignan itong dashboard sa isang bagong window/tab.

Transportation

Greg Spotts, Director
Address: 700 5th Ave, Suite 3800, Seattle, WA, 98104
Mailing Address: PO Box 34996, Seattle, WA, 98124-4996
Phone: (206) 684-7623
684-Road@seattle.gov

Newsletter Updates

Subscribe

Sign up for the latest updates from Transportation

The Seattle Department of Transportation (SDOT) is on a mission to deliver a transportation system that provides safe and affordable access to places and opportunities for everyone as we work to achieve our vision of Seattle as a thriving, equitable community powered by dependable transportation.